100 Years of Beauty in the Philippines

Today is our nation's 117th Independence Day! I find today the best occasion to share with you a video I came across a couple of weeks ...

Today is our nation's 117th Independence Day! I find today the best occasion to share with you a video I came across a couple of weeks ago. Below you'll see how the standards of beauty in the Philippines have evolved through time.

The video also has an accompanying clip where the researcher discusses the looks that were chosen to be part of the final output and why they are significant to their respective eras.

In the clip above you'll hear the researcher, whom I assume is Fil-Am, speak about how he thinks Filipino women are starting to embrace our natural color. While I would agree to some extent, I deem the statement incorrect. If you're a Filipino and are currently living in the Philippines, you would know that being fair is still the main beauty aspiration for many women.


Even after a hundred years of freedom from colonization, the feeling and idea of inferiority is still deeply entrenched in our system.

A quick browse through the toiletries section of any grocery store will give you the gist of what the beauty climate here is. Whitening soaps and lotions and serum are aplenty. When you think about it with an entrepreneurial eye, you'd say it's the only way to go — supply where there is demand. And the demand for kutis porselana is sky high here.

Capitalists are not the only ones feeding that kind of mentality. The entertainment industry does the exact same thing, only they do it subtly.

Take a look at some of the industry's biggest stars. Most of them are mestizas. Actors and actresses who have talent but do not have a chiseled nose or snow white skin are pushed to the side and handed bit roles. Those who are half-Caucasian have a close-to-definite chance of succeeding in showbiz arena. As a result of putting these people on pedestals, fans are handed out the idea that the way their idols look are what to be aspired. Granted, some fans are good at discerning which parts of their idols or favorite celebrities they should emulate, but the majority of them don't.

A hundred years after the shackles of colonialism were taken off from us and we're still not truly free, I see.


Ipinagdiriwang namin ngayon ang ika-117 araw ng kalayaan ng Pilipinas mula sa mga mananakop na Espanyol. Dahil dito, naisip kong ibahagi ang isang  video na naglalarawan sa kung paano nagbago ang pagtingin ng mga Pilipino sa kagandahan mula noong unang panahon.
Mayroon ring video kung saan ipinapaliwanag ng mananaliksik ng proyekto kung ano ang kahalagahan ng mga ipinakitang istilo sa mga panahon kung kailan sila sumikat. 
Maririnig ninyo sa video kung paano ipinaliwanag ng mananaliksik, na sa aking palagay ay Filipinong lumaki sa Amerika, ang kanyang paniniwala na nabago na ang pagtingin ng mga Filipina sa aspeto ng kagandahan — na mas kumportable na tayo sa ating natural na kulay. Sa isang punto ay sumasang-ayon ako sa kanyang pahayag, ngunit gaya ko at ng iba pang nakararami na naninirahan sa Pilipinas sa panahong ito, masasabi kong pagiging maputi o mukhang mestiza pa rin ang gustong makamtan ng maraming Filipina.
Pagkatapos ng mahigit isang daang taong pagiging malaya mula sa mga banyagang mananakop, ang ideya na mas mababa tayo kaysa sa iba — partikular sa ating mga puting mananakop — ay hindi pa rin maiwaksi sa ating sistema.
Naglipana ang mga produktong may pangakong magbigay ng kutis porselana. Kung iisipin mo ang ganitong kaganapan bilang isang negosyante, natural lamang ang desisyon na maglabas ng mga nasabing produkto. Kailangan mong ibigay ang gusto ng mga tao. At ang gusto ng mga tao dito ay maging maputi.
Ngunit hindi lamang mga negosyante ang nagpapalaganap ng ganitong kaisipan. Ang industriya ng pelikula at telebisyon ay ganoon din ang ginagawa; mas magaling lamang silang pagtakpan ang kanilang mga intensyon.
Lahat ng sikat na artista ay mestiso at mestisa. Ang mga magagaling na artista na hindi nagtataglay ng mga katangiang ayon sa laganap na batayan ay ginagawang ikalawa lamang sa mga tisoy at tisay. Kung may lahi kang Caucasian at gusto mong sumikat, malaki ang pagkakataon na dito mo matupad ang iyong pangarap.
Kahit mayroong mga manood at fans na may kaalaman sa pagpili kung anong aspeto ng isang artista ang dapat idolohin, marami pa rin ang buong buo ang paghanga. Sa pagpapalaganap ng kaisipan na ang maputing kutis at matangos na ilong ang maganda, marami ang mahuhumaling sa ideya na ito ang dapat tularan.
Sa tingin ko, pagkatapos ng napakaraming taon, hindi pa rin tayo lubos na malaya.

You Might Also Like

0 comments

What do you think?

I'm on Instagram! @madcherrynet